Sa ginanap na paglulunsad ng programang Manibela Kontra sa Droga sa Amoranto Stadium na dinaluhan ni Belmonte, sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng administrasyon ni Belmonte gumanda at luminis ang Amoranto Stadium.
Binigyang-pansin din ni Pangulong Arroyo ang iba pang mga proyektong isinasagawa ni Belmonte sa siyudad na naaayon sa mga nilalayong programa ng kanyang administrasyon.
Bagaman hindi pa nagsisimula ang kampanyang lokal, ang mga papuring ito ng Pangulo sa City Mayor ay itinuturing na ng mga tagasuporta ni Belmonte na isang pag-eendorso sa reeleksyon ng alkalde para sa halalan sa Mayo 10.
Sa isang naunang okasyon na dinaluhan din ni Belmonte, pinuri ng Pangulo ang puspusang kampanya ng siyudad Quezon para makakolekta ng mas mataas na buwis.
Ang koleksyong buwis ng pamahalaang Quezon City ang siyang nakapagtala ng mataas na antas ng buong Metro Manila dahil sa pursigidong hakbanging ipinatupad ni Belmonte. (Lilia A. Tolentino)