Aktor kinasuhan ng frustrated parracide sa QCPO

Kinasuhan ng frustrated parricide ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO) ang aktor na si Lito Pimentel matapos na ireklamo ito ng kanyang asawa na kanyang sinaksak makaraang mainsulto sa umano’y kanilang pagtatalik kamakailan.

Si Pimentel, ng #10 Evergreen St. Ayala Ferndale Homes Subdivision, Tandang Sora, Q.C. at mainstay ng isang soap opera ay sinampahan ng kaso batay na rin sa reklamo ng kanyang asawa na si Ma. Chrysantine, 28, isang businesswoman at nakatira sa 49 12th Ave., Murphy, Cubao, Q.C.

Batay sa pahayag ni Chrysantine, naganap ang insidente noong Pebrero 9 sa kanyang bahay sa Cubao matapos ang kanilang pagtatalik.

Nainsulto umano ang aktor nang tanungin niya ito ng "Tapos ka na ba? Yun na ba yon?’

Kinuha ng aktor ang jungle bolo at sinabihan ng "Akala mo di kita kayang patayin, ha!" Hinila ng aktor ang biktima sa leeg at kamay at dinala sa sala.

Ayon kay Chrysantine tinamaan siya ng saksak sa kaliwang hita dahil inilagan niya ang saksak ng aktor sa kanyang tiyan.

Sa kabila ng kanyang pagkakadapa, pinagsusuntok at pinagsisipa pa siya ng aktor.

Naawat lamang ang pananakit ng aktor sa kanyang asawa nang dumating ang mga kamag-anak ng huli.

Agad na nagtago sa kuwarto si Pimentel habang mabilis namang sinugod sa Delos Santos Medical Center si Chrysantine.

Show comments