P10-M ari-arian tinupok ng apoy
February 16, 2004 | 12:00am
Tinatayang umabot sa P10 milyong piso ang halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos na tupukin ng apoy ang limang pintuan ng isang 2-storey residential at commercial building na ikinadamay pa ng apat na sasakyan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi ng masunog ang Goromano Marketing and Seanery Steel Corporation na pag-aari ng isang Juanito Go na matatagpuan sa 11 Engineering St. Araneta Subdivision, Barangay Potrero ng nabanggit ding lungsod.
Ayon kay FO3 Baltazar Erestain ng Malabon City Central Fire, nagsimula ang sunog sa kaliwang bahagi ng gusali at mabilis na kumalat hanggang sa madamay ang isang Toyota Revo at motorsiklo.
Sa kabila nito, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente bagamat ang sunog ay umabot sa Task Force Bravo. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended