Sa ulat na tinanggap ni Atty. Oscar Paras, Acting General Manager ng Ninoy Aquino International Airport, naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng umaga sa runway 13-31 nang sumadsad ang Beechcraft BE-50 na may registry no. RP-C1950 na minamaneho ni Capt. Edax Agraviador.
Bagamat walang nasugatan o namatay sa insidente, nagka-shock naman ang mga pasahero ng nasabing eroplano.
Lumilitaw na nagsasagawa ng test flight ang piloto ng eroplano sa Metro Manila, subalit minabuting bumalik agad matapos na maramdamang hindi gumagana ang landing gear.
Bumara ang eroplano sa runway 13-31 na naging dahilan ng pagka-antala ng flights patungong Davao, Cebu, Cagayan de Oro at Caticlan. (Ulat ni Butch Quejada)