Hepe ng LTO biniktima ng Akyat Bahay Gang
February 15, 2004 | 12:00am
Maging ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) ng Marikina District Office ay hindi nakaligtas sa panloloob ng mga miyembro ng notoryos na "Akyat Bahay Gang nang limasin ng mga ito ang apat na matataas na kalibre ng baril, mahahalagang gamit at mga alahas ng nasabing biktima, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Nabatid na dakong alas-5:36 nang madiskubre ni LTO Marikina Chief Rolando Gonzales, 62, ng #8 P. Burgos St., San Isidro Village, Brgy. Concepcion Uno, ng nabanggit na lungsod ang pagkawala ng kanyang apat na mga baril na kinabibilangan ng isang Magnum .357 at .38 caliber, ilang mahahalagang gamit at diamond jewelries ng kanyang asawa.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon na dumaan ang magnanakaw sa fire escape ng kanilang bahay at sapilitang binuksan ang pintuan ng ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan nakalagay ang mga nabanggit na nawawalang mga gamit. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended