Holdaper dedo sa shootout
February 14, 2004 | 12:00am
Isang pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na hold-up at robbery gang ang napaslang, habang sugatan naman ang isang pulis sa naganap na shootout sa pagitan ng naturang grupo at ng mga kagawad ng Taguig Police, kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na bayan.
Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang hindi pa nakikilalang suspect makaraang magtamo ito ng tama ng bala sa ibat ibang parte ng kanyang katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng mga baril.
Kasalukuyan namang ginagamot sa isang pagamutan sa nabanggit na bayan si PO1San Juan Senon, nakatalaga sa Police Community Precinct 2 ng Taguig Police Station.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 bago umano naganap ang shootout ay unang hinoldap ng nasabing grupo na kinabibilangan ng apat na armadong kalalakihan ang isang Helen Balderama, 33-anyos, habang ang nabanggit na biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Medel St., Purok 4, Brgy. Lower Bicutan, Taguig.
Matapos na tangayin ng mga suspect ang kwintas ng biktima, cell phone at pera nito na nagkakahalaga ng P1,700.00 ay agad na nagtungo sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang huli at isinumbong ang nasabing insidente.
Agad namang bumuo ng operatiba si PCP 2 commander SPO4 William Dan at namataan ng mga ito ang mga suspect sa kahabaan ng Maranao St., Brgy. Maharlika Village ng nabanggit na bayan.
Nang sitahin umano ng operatiba ang mga suspect ay bigla na lamang bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan sila dahilan upang gumanti rin sila ng putok. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended