^

Metro

Colonel sa Betti Sy kidnap-slay nakatakas sa aresto

-
Sumugod sa Western Police District (WPD) headquarters ang may 50 tauhan ng pinagsanib na puwersa ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) at National Capital Region Police Office-Special Weapons and Tactics upang arestuhin ang isang opisyal na sangkot umano sa pagkidnap at pagpatay sa Coca-Cola executive na si Betti Sy.

Nabatid na dumating dakong alas-6:30 ng umaga ang mga operatiba ng NAKTAF at SWAT upang dakpin ang hindi pa pinapangalanang police colonel na nakatalaga sa WPD.

Hindi naman naabutan ng grupo ang kanilang hinahanap na opisyal. Agad namang lumisan ang operatiba upang sa bahay sundan ang sinasabi nilang suspect na colonel.

Nabatid na hindi na nakipagkoordinasyon ang NAKTAF kay WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong bago isinagawa ang kanilang operasyon.

Magugunitang isang police colonel ang itinuro ni Editha Demol, isa sa mga sumukong suspect sa NAKTAF at National Bureau of Investigation (NBI) na isa sa mga utak sa pagdukot at pagpatay kay Sy.

Ipinagtapat pa nito na dati umano niyang lover ang naturang opisyal na bagong salta lamang sa WPD. Bukod dito, dalawa pa umanong malalaking tao ang kasabwat ng opisyal sa pagbuo ng plano sa pagkidnap kay Sy.

Matagal na umanong nagsasagawa ng ganitong operasyon ang grupo.

Gayunman, itinatanggi ni Chief Inspector Gerry Agunod, Public Information Chief ng WPD na ibang operasyon ang ipinunta doon ng NAFTAK. (Ulat ni Danilo Garcia)

BETTI SY

CHIEF INSPECTOR GERRY AGUNOD

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

EDITHA DEMOL

NABATID

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE-SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

PEDRO BULAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with