Mosque sa Quiapo, ni-raid
February 12, 2004 | 12:00am
Sinalakay kahapon ng madaling-araw ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang isang Muslim Mosque sa Quiapo, Maynila sa hinalang ginagawa itong bagsakan ng droga at produksyon ng mga pirated CDs at VCDs.
Sinimulan ang operasyon dakong alas- 5 ng madaling-araw kung saan 63 katao kabilang ang dalawang babae na naabutan sa loob ng Mosque ang dinakip ng mga awtoridad at kasalukuyang iniimbestigahan.
Narekober sa isinagawang operasyon ang hindi pa madeterminang dami ng shabu, mahigit sa 10,000 piraso ng pirated VCDs at CDs, limang duplicating machines at isang kalibre .45 baril.
Isinagawa ng pulisya ang operasyon matapos na magreklamo si Mohammad Tanggote, administrator ng Mosque na nagsabing matagal nang binababoy ng isang grupo ng sindikato ang kanilang banal na sambahan dahil sa illegal na gawain na isinasagawa rito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended