2 pang Army Captain idiniin si Saycon
February 12, 2004 | 12:00am
Lalong lumakas ang hawak ngayong ebidensiya ng NBI laban kay Boy Saycon, secretary general ng COPA sa plano nitong destabilisasyon sa pamahalaan matapos na dalawa pang Army captain ang lumutang ay nagdiin dito sa pagbuo ng Kawal Pilipino.
Itinago muna ang pangalan ng dalawa sa alyas na Capt. Abella at Capt. Hamunabon.,
Sinabi ng mga ito na ka-batch nila si Capt. Edwin Peter Navarro sa Officers Candidate School (OCS) at ito rin ang nanghikayat sa kanila na sumama sa grupo.
Ayon sa kanila, kabilang sila sa mga sumama kay Navarro sa isang bahay sa Ayala-Alabang sa Muntinlupa City noong Enero 9. Nang mabatid nila na si Saycon ang mamumuno sa pulong at ihaharap sila sa media ay umatras na lamang sila.
Dahil sa panibagong testimonya, sinabi ni Wycoco na karagdagan itong ebidensiya na lalong nagdiin kay Saycon, Capt. Navarro at sa ama nitong si Gen. Pedro Navarro at iba pang utak sa destabilisasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest