300 kilo ng shabu nasabat
February 12, 2004 | 12:00am
Tinatayang aabot sa 300 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P600 milyong piso ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) sa lungsod ng Maynila.
Nabatid sa ulat na ang mga shabu ay nakalagay sa 150 kahon sa loob ng isang 30 footer container van na may body number DNAU2225575.
Napag-alaman na nagmula ang kontrabando sa Bangkok at nakapangalan sa isang Reynaldo Maranan na ang tirahan ay sa 16 New York, Meycauyan, Bulacan.
Ayon sa isang impormante buhat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naglalaman umano ang bawat isang kahon ng tig-2 kilo ng shabu.
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang PDEA upang matukoy ang mga taong sangkot sa pagpapasok ng kontrabando sa bansa at ang mga kontak nito sa Bangkok na pinaniniwalaang international drug syndicate. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended