^

Metro

Naingayan sa Jingle ng Coca-Cola, lalaki namaril

-
Dahil sa bago at sikat na jingle ng Coca-cola, tatlong kalalakihan ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ang mga ito ng isang lalaki na naingayan sa pagkanta nila ng naturang jingle na sinasabayan pa ng palo sa lamesa, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa PGH ang mga biktimang sina Rafael Nepomuceno, 15; Russel Lopez, 19 at Rico Mapa, 21, pawang residente ng barangay Olympia Makati city na nagtamo ng tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Kaagad namang tumakas ang suspect na si Jessie Sitera, 29, tangay ang ginamit na baril. Habang ang kasamahan nito na nakilalang si Rommel Reyes ay kaagad na naaresto ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa harapan ng isang karinderya sa panulukan ng Pateros at Obrero Sts., sa Barangay Olympia ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na katatapos lamang kumain ng mga biktima at habang nagpapahinga ang mga ito ay nagkatuwaan na awitin ang bagong jingle ng Coca-cola habang nagpapalo sa lamesa kagaya ng nasa commercial.

Sa puntong ito napadaan ang mga suspect na lasing at agad na sinigawan ang mga biktima at sinabing huwag silang maingay.

Hindi naman ito pinansin ng tatlo at nagpatuloy sa kanilang pag-awit ng "pabilis ng pabilis" kung kaya lalong nagalit ang suspect na si Sitera at pinagmumura ang grupo ng mga biktima.

Dahil dito, umalma na ang mga biktima at nakipagtalo sa mga suspect hanggang sa maglabas ng baril si Sitera at ilang beses na pinaputukan ang mga biktima bago mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY OLYMPIA

DAHIL

JESSIE SITERA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

OBRERO STS

OLYMPIA MAKATI

RAFAEL NEPOMUCENO

RICO MAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with