Ex-Marinong naaburido sa buhay nag-suicide
February 9, 2004 | 12:00am
Dala ng sobrang pagka-aburido sa buhay, isang dating seaman ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob mismo ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Halos nangingitim na ang bangkay ng biktimang si Apolinario Rublico, 33, ng Block 3, Kaingin 1, Brgy. Pansol, Q.C. nang matagpuan ng kanyang asawang si Glenda sa loob ng kuwarto.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Joel Gagaza ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas 4:30 ng madaling araw na nakatali pa ng electrical wire.
Nauna dito, nabatid na nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga kaibigan na sina Bobby Ramos at Delfin Glen at makaraan ang ilang minuto ay nagpa-alam sa dalawa at mabilis na pumasok ng bahay.
Laking gulat na lamang ni Glenda nang makita niyang nakabitin ng electrical cord na nakatali sa poste na haligi ng kanilang bahay ang kanyang asawa.
Aniya, wala namang sinasabi sa kanyang problema ang kanyang asawa maliban sa napapansin niya ang pagiging aburido nito nitong mga huling araw.
Posible umanong naaburido ang biktima sa hirap na kanyang naranasan matapos na matigil sa pagsi-seaman.
Magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended