Pedicab dinedo ng baliw
February 9, 2004 | 12:00am
Namatay ang isang pedicab driver makaraang mapagtripan ng isang ice vendor na pinaniniwalaang may sayad sa utak kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Limang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Frederick Pajarillo, 21, ng 748 S. de Guzman St. habang ginagamot sa Pasay City General Hospital.
Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Joselito Retorca-Sabinay alyas Pogi ng Talipapa, Maricaban, Zone 19, Brgy. 179 Pasay City.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa harapan ng garahe ng Philtranco Bus sa Malibay, Pasay.
Nabatid na nagwawala at nagmumura ang suspect at may hinahabol itong lalaki na nakilalang si Roderick Ocampo Jennel.
Nabigo umano saksakin ng suspect si Jennel kung kayat si Pajarillo ang kanyang napagbalingan.
Ayon naman sa ilang saksi, may diperensiya sa pag-iisip si Sabinay at madalas din itong nananakit ng tao sa kanilang lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended