Ayon sa mga negosyante, maaaring hindi pa natatapos sa pagpapasimuno ng "Kawal Pilipino" si Saycon at may iba pa itong plano para sa destabilisasyon umano ng pamahalaan.
Matatandaan na nasangkot ang pangalan ni Saycon sa nabigong kudeta noong nakaraang taon ng Magdalo Group sa Makati City.
Hiniling din ng mga negosyante na sampahan na ng kasong sedisyon si Saycon at ang iba pa nitong mga kasamahan sa pangamba na lalo lamang itong magdulot ng panganib sa ekonomiya ng bansa.
Nabatid na nagngingitngit ang mga Filipino-Chinese businessmen sa problemang dulot ni Saycon nang sumadsad ang halaga ng piso sa pinakamababa nitong palitan kontra dolyar na umabot sa P56.
Bunga nito, nagtaasan din ang mga presyo ng mga pangunahing produkto na lalo namang nagpapahirap sa mga maliliit na pamilya. (Ulat ni Danilo Garcia)