Ayon kay DAR Secretary Roberto Pagdanganan, hindi palalampasin ng pamahalaan ang ginawang karahasan ng mga magsasaka lalu pat itoy lantarang paglabag sa batas.
Aniya, iginagalang niya ang mga saloobin ng mga magsasaka subalit hindi naman ito nagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka na wasakin ang gate ng DAR at basagin ang mga salamin ng bintana na nagbigay daan naman sa mga tauhan ng CPD-SWAT at MMDA na buwagin ang barikada.
Naaresto sa nasabing dispersal sina Bonifacio Responso at Jun Hermocilla matapos na mahuling may dalang molotov bomb habang isinasagawa ng kilos-protesta.
Iginiit pa ni Pagdanganan na kailangan na papanagutin ang mga magsasaka dahil naniniwala siyang may hindi lehitimong magsasaka na nakibahagi sa protesta kung kayat may posibilidad na may kulay pulitika ang ginawang rally ng mga ito. (Ulat ni Doris Franche)