Base sa liham-reklamo ng may 111 empleyado ng DPWH, bagamat natanggap na sa Office of the Secretary ang memorandum, pinalitan naman ang halagang P8 milyon ng P4 milyon na lamang na para sa kanilang monetization leave.
Dahil dito kung kayat hinahanap ng mga empleyado ang natitirang P4 milyon o kabuuang P4,647,168.81 pondo na ayon sa kanila ay nakasaad sa batas ng Civil Service Commission na dapat ipagkaloob sa kanilang leave credit sa cash.
Magugunita na nauna nang inireklamo ng mga empleyado ang ginagawang pang-iipit sa pagpapalabas ng kanilang benepisyo nina DPWH Secretary Florante Soriquez at DPWH-NCR Director Rafael Yabut.
Inakusahan ng naturang mga empleyado sina Soriquez at Yabut na ibinulsa ang nakalaang P4 milyon na matagal na nilang hindi nakukuha simula pa noong nakaraang taon.
Hindi naman makuhanan ng pahayag kahapon sina Soriquez at Yabut tungkol sa naturang usapin. (Ulat ni Gemma Amargo)