Sa pagliligtas sa alagang tuta: Metro aide nasagasaan ng tren
February 7, 2004 | 12:00am
Isang Metro aide ang nagbuwis ng buhay para lamang sa alaga niyang tuta na iniligtas nito sa pagkasagasa sa isang tren na sa kasawiang palad ay siya ang nahagip, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Binawian nang buhay habang ginagamot sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Apolinario Malaras, 42, ng PNR Compound, Barangay Pio del Pilar ng nabanggit na lungsod.
Nakatakas naman ang suspect na nakilalang si Aurelio Leano Jr., operator ng naturang tren.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 William Binalla, ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa panulukan ng Medina at Javier Sts., Barangay Pio del Pilar sa lungsod.
Nabatid na nakawala ang alagang tuta ng biktima at habang naglalakad ito sa riles, napansin ng biktima na may paparating na tren na nagmula sa Maynila patungong Alabang Muntinlupa.
Dali-daling pinuntahan ng biktima ang alagang tuta upang iligtas.
Bagamat nailigtas ang alaga ay nahagip naman ng tren ang katawan ng biktima na dali-daling isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay. (Ulat Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended