^

Metro

Barikada ng mga magsasaka,binuwag: 10 sugatan

-
Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotestang magsasaka at mga tauhan ng Central Police District (CPD) at Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos na isagawa ang dispersal kahapon ng umaga sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ikinasugat ng sampu katao.

Puwersahang itinaboy hanggang sa humantong sa hampasan at batuhan ang mga miyembro ng MMDA at CPD at mga nagpoprotestang kasapi ng UNORKA at mga kaalyado nitong non-government organization.

Naganap ang dispersal dakong alas-10:30 ng umaga matapos na magmatigas ang mga raliyista na ilang linggo nang nagkakampo sa DAR. Nagkaroon ng gulo at may naghagis pa ng molotov bomb na masuwerte namang hindi sumabog. (Ulat ni Doris Franche)

CENTRAL POLICE DISTRICT

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DORIS FRANCHE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGANAP

NAGKAROON

PUWERSAHANG

SUMIKLAB

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with