2 patay,3 sugatan sa Marikina fire
February 6, 2004 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi, kabilang ang isang 2-anyos na batang lalaki makaraang masunog ang inuupahan nilang bahay kahapon ng umaga sa Marikina City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Kristine Luansing, 23, at pamangkin nitong si Mark Gabriel Villalola, 2, na kapwa idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center sanhi ng suffocation. Samantala ginagamot din sa nasabing pagamutan sanhi naman ng tinamong 3rd degree burn sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga magulang ng nasawing paslit na sina Mark at Donna Gay Villalola, ang isa pang anak na si Aera, 3, pawang residente ng #26 R. Palma St., Parang, Marikina City.
Ayon kay Marikina City Fire Marshall Senior Inspector Antonio Razal nagsimula ang sunog sa sala ng nasabing bahay dakong alas-6:10 ng umaga habang natutulog pa ang mga biktima.
Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kaya nang magising ang mga biktima ay hindi agad nakalabas ng bahay dahil halos sarado ang buong kabahayan at puno pa ng grills ang mga bintana nito.
Tumagal ang sunog ng may kalahating oras subalit minalas na masawi ang dalawa sa mga biktima.
Hindi pa rin matiyak kung ano ang pinagmulan ng naganap na sunog, gayundin kung magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended