Ford showroom sa Balintawak nilooban, P10-M tangay
February 5, 2004 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng dalawang luxury cars at iba pang kagamitan na natangay ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan na nanloob sa isang sangay ng Ford Showroom sa EDSA-Balintawak, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Batay sa mga salaysay ng security guard na sina Vicente Loreco, 31; Nilo Musong at Roleto Maputol, 33, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob mismo ng kanilang binabantayang establisimiyento sa kanto ng EDSA at Seminary Road, Brgy. Bahay Toro, nabanggit na lungsod.
Isang maroon Toyota Revo, may plakang WTJ-562 ang pumarada sa harap ng showroom kung saan bumaba ang may 10 lalaki.
Tatlo sa mga suspect na naka-uniporme ng pulis ang lumapit sa kanila at sinabing nakatanggap sila ng alarma mula sa naturang showroom. Subalit laking gulat ng mga guwardiya nang bigla silang tutukan ng mga suspect ng matataas na kalibre ng baril hanggang sa sumunod ang iba pang suspect sa loob ng Ford showroom.
Walang nagawa ang mga guwardiya hanggang sa malayang natangay ng mga suspect ang isang maroon Ford Expedition (LLP-555), nagkakahalaga ng P2.5M; silver Ford Everest na may conduction sticker na 1A2162, nagkakahalaga ng P2.5M; isang Sony colored TV; 2 portable radio transmitter; TV monitor; 2 DVD car stereo; laptop computer; wristwatch at di-pa matiyak na halaga ng cash. Kinuha rin ng mga suspect ang mga dokumento na nasa vault.
Mabilis na tumakas ang mga suspect patungong Monumento samantalang inabandona ng mga ito ang Toyota Revo sa harap ng Ford Balintawak. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended