Pasyente nag-amok sa ospital
February 5, 2004 | 12:00am
Binalot ng kaguluhan ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na isang pasyente na hinihinalang may kapansanan sa pag-iisip ang magwala at gawing hostage ang isa pang pasyente, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang dinakip na suspect na si Francis Alaras, residente ng Bacoor, Cavite.
Sa inisyal na ulat ng WPD-Station 5 (Malate), naganap ang insidente dakong alas-11 ng tanghali sa loob ng patients ward ng naturang pagamutan.
Nabatid na isinailalim sa operasyon sa leeg si Alaras nang magbigti ito sa kanilang bahay ngunit naisalba pa ang buhay. Naging malubha naman ang sugat nito sa leeg kaya kinailangang operahan.
Napag-alaman na nang magising ito buhat sa pagkakatulog, bigla na lamang nitong binaklas ang mge life-support system na nakakabit sa kanya at nagwala.
Binuhat din nito ang isang maliit na oxygen tank sa tabi ng kanyang kama at itinutok sa kapwa pasyente na si Catherine Rose Pelayo. Agad namang rumesponde ang mga security guard at pulis kung saan matapos ang mahabang negosasyon ay napapayapa rin ito. Ibinalik naman ng pulisya ang suspect sa PGH na nakatakda namang humingi ng tulong sa National Center for Mental Health (NCMH) kapag napatunayang tuluyang nasiraan na ito ng bait. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended