Nakilala ang dalawang nadakip na sina Joel Masa, 19, at isang alyas Over, 15, kapwa ng Temporary Housing Building 2, Vitas, Tondo.
Sa ulat ng WPD Childrens and Womens Desk naganap ang panghahalay dakong alas- 10 ng gabi noong Enero 16 sa dumpsite ng Smokey Mountain.
Ayon sa biktima, nangangalaykay siya ng basura nang bigla na lamang siyang haltakin ng mga suspect at piringan sa mata bago siya kinaladkad sa isang bahagi ng dumpsite.
Halinhinan umano siyang ginahasa ng mga suspect na sabog sa droga.
Agad na nagtungo ang pulisya sa Smokey Mountain kung saan dinakip ang dalawang kabataan na kapwa naman itinanggi ang naturang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)