Ang pagsalakay ay ginawa sa Parañaque City, Taguig, Antipolo City at San Pedro, Laguna makaraang humingi ng tulong ang sangay ng Philippine Long Distance Telecommunications Company (PLDT) sa pulisya hinggil sa iligal na gawain ng nasabing sindikato.
Naaresto sa Parañaque City sina Romeo Palo, 41, at Jonathan Miranda, sina Zoilo Castillanos, 49; at Marie Paz Zabit, 20, naman sa Taguig, sa Antipolo naman nahuli sina Rowena Capasio, 29; at Petronelia Pauis, 24, samantalang naaresto naman sa San Pedro, Laguna sina Vivian Baranque, 30; at Julie Cabansag, 23. Pinaghahanap na ng awtoridad ang mastermind ng nasabing sindikato.
Napag-alaman na ang sindikato ay anim na buwan nang nag-ooperate na kung saan ginagamit nila ang mga nakumpiskang wire-tapping equipment para sa mga kontak nilang seaman sa ibang bansa para sa kanila na dadaan imbes na sa PLDT.
Nabatid na sumisingil lang ang sindikato ng mahigit P50 kada minuto kumpara sa PLDT na mahigit na P400 kada minuto.
Nalulugi umano ang PLDT ng umaabot sa P10 milyon kada buwan sa nasabing sindikato. (Ulat ni Edwin Balasa)