^

Metro

7 na opisyal ng BoC kinasuhan

-
Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ) ang pitong opisyal nito kaugnay sa pagpupuslit ng mga umano’y bird flu contaminated chicken na nagmula sa Canada.

Kasong smuggling, paglabag sa Customs and Tariff Code ang isinampa ng BoC laban sa mga opisyal nito na kinabibilangan nina Aguinaldo Marquez, chief ng Assessment division at sina Ligaya Platon, Oscar Balicanta, Luisa Castilla at Ivy Sarad.

Kasama ring kinasuhan ng BoC ang may-ari ng Von Way Trading firm na sina Ronaldo at Raquel Laderas dahil sa pag-import ng mga ito sa nasabing manok.

Gayunman, tiniyak ni BoC Commissioner Antonio Bernardo na hindi niya palulusutin ang mga nasabing opisyal na nagbigay-pahintulot upang makalabas ng Port of Batangas ang mga puslit n a manok na pinaghihinalaang kontaminado ng bird flu.

Magugunita na hinarang ng Dept. of Agriculture (DA) ang mga nasabing manok subalit huli na dahil sa pagkakadiskubre na nakalabas na ang mga ito sa pier.

Gayunman, hawak ni State Prosecutor Pablo Pormaran ang nasabing kaso kung saan agad itatakda ang preliminary investigation sa naturang kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AGUINALDO MARQUEZ

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CUSTOMS AND TARIFF CODE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAYUNMAN

IVY SARAD

LIGAYA PLATON

LUISA CASTILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with