^

Metro

Ex-ambassador tiklo sa kasong perjury

-
Inaresto sa ikalawang pagkakataon ng mga tauhan ng Western Police District ang isang dating Philippine Ambassador to Brazil makaraang sampahan ito ng kasong 2 counts ng perjury at magsinungaling sa tanggapan ng Manila City Hall kamakalawa ng hapon.

Si Restituto de Guzman, 75, ng #23 A-B Castor St. Brgy. Laging Handa ay dinakip batay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Taro ng Quezon City Metropolitan Trial Court (QCMTC) kamakalawa ng hapon matapos na magsampa ng kaso ang negosyanteng si Jaime Lim.

Dakong alas-2 ng hapon ng arestuhin ng mga operatiba si de Guzman sa sala ni Fiscal Leo Lee sa ikatlong palapag ng Manila City Hall kung saan isinasagawa ang preliminary investigation sa kasong libelo nito.

Lumilitaw na ang kasong perjury ay iniharap ni Lim matapos na malaman nito na idineklara ni de Guzman sa kanyang isinumiteng papeles sa Housing and Land Use Regulatory Board na pag-aari na niya ang isa sa mga negosyo ni Lim. Si Lim ay isang developer at isang contractor.

Kasalukuyang nakapiit sa WPD-Warrant Division si de Guzman at may piyansang P6,000 bawat isang kaso. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

A-B CASTOR ST. BRGY

DORIS FRANCHE

FISCAL LEO LEE

GUZMAN

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

JAIME LIM

JUDGE MANUEL TARO

LAGING HANDA

MANILA CITY HALL

PHILIPPINE AMBASSADOR

QUEZON CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with