^

Metro

Aviation workers nagprotesta

-
Nagprotesta kahapon ang mga militanteng grupo ng aviation workers bilang bahagi ng kanilang krusada na patalsikin si Civil Aeronautics Board (CAB) member Alberto "Bertie" Lim matapos magpunta ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Ed Oredina, secretary general ng Aviation Workers for Empowerment and Solidarity (AVES), inakusahan nilang mali ang paghirang kay Lim bilang kinatawan ng CAB na lantarang pagkatig sa "open skies policy" sa paggamit sa mga maliliit na aviation industry players. Nabatid na ang kilos-protesta ng CAB ay isinakatuparan na kamakalawa na ginanap sa mismong tanggapan ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Leandro Mendoza upang hilingin dito ang paghahatid ng endorsement letter kay Presidente Arroyo na patalsikin si Lim. Ang AVES ay lantarang tumututol sa "open skies policy" simula pa nang ang iba’t ibang grupo ay kahina-hinalang sumusuporta rito na umano’y magreresulta lamang sa pagkakamal ng mga "US carriers winning traffic rights and flights" na kikitil sa iba pang carriers hanggang sa tuluyan nang maglaho ang kompetisyon. (Ulat ni Butch Quejada)

AVIATION WORKERS

BUTCH QUEJADA

CIVIL AERONAUTICS BOARD

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ED OREDINA

EMPOWERMENT AND SOLIDARITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PRESIDENTE ARROYO

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with