Dalawang 40-footer van may lamang manok, nasabat
January 30, 2004 | 12:00am
Dalawang 40-footer container van na naglalaman ng mga dressed chicken na hinihinalang bahagi sa naipuslit na mga imported na manok sa bansa ang nasabat sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Taguig.
Nasa kustodya na ngayon ng pulisya ang dalawang driver ng naturang nasabat na container van na sina Antonio Lopez at Odelon Soreda.
Ayon sa pulisya dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang masabat ang dalawang van sa may bakanteng lote sa Hammerson Compound, Antonio Drive, 1st Avenue, Barangay Bagong Tanyag ng bayang ito.
Base sa manipestong ipinakita nina Lopez at Soreda, nakasaad dito na ang nabanggit na mga refrigerated container van ay naglalaman ng ibat-ibang sariwang pagkain tulad ng mga gulay at karne na pag-aari ng isang William Lopez ng Fresh Food Incorporated at nakatakdang dalhin sa Porac, Pampanga na ididistribute sa isang pagawaan ng tocino at longganisa, subalit nang masabat ay mga frozen chicken ang laman na hinihinala namang ibabagsak sa ibat ibang pamilihan sa Metro Manila.
Patuloy namang nakikipag-koordinasyon ang pulisya sa Bureau of Customs para alamin kung bahagi ang mga ito sa nakalusot sa pantalan sa Batangas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended