4 na miyembro ng Waray-Waray kidnap-for-ransom gang, timbog
January 30, 2004 | 12:00am
Apat na miyembro ng Waray-Waray kidnap for ransom group na responsable sa pagkidnap sa pitong negosyante ang isa-isang nadakip ng mga tauhan ng Western Police District sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at Bulacan.
Nakilala ang mga nadakip na sina Roselo Morpe, 24; Guadioso Bolleser, 57; ang anak nitong si Nancy Bolleser, 37 at Renato Lego, 37, na dating miyembro ng Phil. Army.
Nabatid na ang mga nadakip ay pawang tubong Jaro, Leyte.
Sangkot ang apat sa pagdukot at pagkuha ng ransom sa mga biktima nilang sina Borromeo Ang, Tocia Macatangay, Vicente Ty, Johnny Corpuz, Wilbert Uy at Edwin Tan.
Pinakahuling biktima ng grupo ang negosyanteng si Antonio Tanchay, 63.
Ayon kay Supt. Rodolfo Llora, hepe ng WPD Station 7 nadakip ang mga suspect sa ibat-ibang operasyon matapos na unang masakote ang suspect na si Morpe nang maispatan ito ng mga pulis kamakailan malapit sa bahay nito sa Sta. Mesa.
Nagtangka pa umanong manlaban ang suspect subalit napilitan nang sumuko makaraang paligiran ng mga tauhan ng pulisya.
Dahil dito, isa-isang itinuro ni Morpe ang pinagtataguan ng kanyang mga kasamahan sa Caloocan City, Novaliches at sa Bulacan.
Bukod sa pangingidnap sangkot din ang naturang grupo sa mga insidente ng payroll holdup, panloloob sa mga pawnshop at ilang botika sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended