Sa desisyong inilabas ni QCRTC Judge Natividad Dizon na bukod sa parusang bitay pinagbabayad din ng korte ng halagang P400,000 bilang moral at exemplary damages ang mga akusadong sina Antonio Tan; Benjamin Dy; Jonathan Braga; Eliseo Barredo at Wilmar Carian.
Ang isa pa sa mga akusado na si Tony Ti Chin Uy ay namatay habang nakapiit sa QC jail kaugnay sa nasabing kaso.
Nabatid sa isinagawang pagdinig na ang grupo ng mga akusado ay sangkot sa pangingidnap sa magkakapatid na sina Kayia Ouyang, 4; Kevin, 5; Benson, 8 at Benjie,11, noong Oktubre 26, 1998 sa Project 4, Quezon City.
Sakay ng kanilang kotse ang mga biktima kasama at kanilang yaya at driver nang harangin ng mga armadong suspect at saka dinala sa isang safehouse sa lalawigan ng Rizal.
Dalawampung milyong pisong ransom ang hiningi ng grupo sa pamilya ng mga bata, gayunman ilang araw matapos ang bayaran ay natagpuan sa isinagawang follow-up operation ang ginamit na sasakyan ng mga suspect na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)