^

Metro

6 pang kidnappers hinatulan ng bitay

-
Parusang kamatayan ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa anim na miyembro ng kidnap-for-ransom group, tatlo sa mga ito ay pawang mga Tsinoy na sangkot sa pangingidnap sa apat na magkakapatid na paslit noong 1998.

Sa desisyong inilabas ni QCRTC Judge Natividad Dizon na bukod sa parusang bitay pinagbabayad din ng korte ng halagang P400,000 bilang moral at exemplary damages ang mga akusadong sina Antonio Tan; Benjamin Dy; Jonathan Braga; Eliseo Barredo at Wilmar Carian.

Ang isa pa sa mga akusado na si Tony Ti Chin Uy ay namatay habang nakapiit sa QC jail kaugnay sa nasabing kaso.

Nabatid sa isinagawang pagdinig na ang grupo ng mga akusado ay sangkot sa pangingidnap sa magkakapatid na sina Kayia Ouyang, 4; Kevin, 5; Benson, 8 at Benjie,11, noong Oktubre 26, 1998 sa Project 4, Quezon City.

Sakay ng kanilang kotse ang mga biktima kasama at kanilang yaya at driver nang harangin ng mga armadong suspect at saka dinala sa isang safehouse sa lalawigan ng Rizal.

Dalawampung milyong pisong ransom ang hiningi ng grupo sa pamilya ng mga bata, gayunman ilang araw matapos ang bayaran ay natagpuan sa isinagawang follow-up operation ang ginamit na sasakyan ng mga suspect na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANTONIO TAN

BENJAMIN DY

ELISEO BARREDO

JONATHAN BRAGA

JUDGE NATIVIDAD DIZON

KAYIA OUYANG

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

TONY TI CHIN UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with