2 dayuhan huli sa droga
January 29, 2004 | 12:00am
Dalawang dayuhan na kinabibilangan ng isang Japanese at American national ang inaresto ng mga elemento ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng illegal na droga habang pasakay sa eroplano sa magkakahiwalay na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa ulat, nakilala ang mga suspect na sina Edilberto Aloijan, 37, American citizen, ng #4089 Justine Drive, Sterling Heights, Michigan, Detroit, USA at Minoro Suzuki, 54, ng Saitame Ken, Kumagaya City, Hakoda, Japan.
Ayon kay PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., unang nadakip dakong alas-3:50 ng hapon kamakalawa si Aloijan.
Si Aloijan ay nasamsaman ng anim na plastic sachet ng marijuana at isang plastic tube na inilagay nito sa kanang bulsa ng kanyang pantalon matapos na dumaan sa checkpoint ng paliparan.
Samantala, kasalukuyan namang paalis si Suzuki patungong Narita, Japan via Egypt Air flight MX-804 nang masakote sa final check area ng NAIA Centennial Terminal 1 bandang 8:05 naman ng umaga.
Nakumpiska mula sa kaliwang bulsa ng itim na pantalon ng Hapones ang isang plastic sachet na naglalaman ng crystalline substance na hinihinalang shabu. Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended