^

Metro

30 anyos sinapian, nang-hostage ng paslit

-
Isang 30-anyos na bagong salta sa Maynila ang nang-hostage ng kanyang 4-anyos na pamangkin makaraan umanong sapian ng masamang espiritu, kahapon ng umaga sa Pasig City. Ang suspect na sumuko matapos ang dalawang oras na negosasyon ay nakilalang si Jose Joy Laclac, tubong Dipolog City at pansamantalang naninirahan sa bahay ng kaanak sa Blk. 16 Kenneth Road, Nagpayong 7, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig.

Ayon sa ulat, naganap ang pangho-hostage dakong alas-9:40 ng umaga nang bigla na lamang manlisik ang mata ng suspect at saka mabilis na kumuha ng jungle bolo. Hinablot ang nakaupong pamangkin at saka tinutukan sa leeg. Kahit anong pakiusap ng kanyang kaanak ay hindi pa rin pinapakawalan ng suspect ang paslit kaya napilitan na silang humingi ng tulong sa barangay at sa pulisya. Matapos ang dalawang oras na negosasyon ay binitawan ng suspect ang bihag sabay ang malakas na pag-iyak at ng pagsasabing hindi niya alam ang kanyang ginagawa at sinapian lamang siya ng demonyo. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BRGY

DIPOLOG CITY

EDWIN BALASA

HINABLOT

ISANG

JOSE JOY LACLAC

KAHIT

KENNETH ROAD

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with