Lara napa-praning na sa takdang bitay
January 28, 2004 | 12:00am
Hindi na nakakakain at nakakatulog si Roberto Lara, alyas Tunkoy, ang kidnapper na nakatakdang bitayin sa Biyernes (Enero 30) dahil balisa na ito sa nalalapit na kamatayan.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Aling Benilda, ang ina ni Tunkoy kasabay ng muling pag-apela kay Pangulong Arroyo na ibaba na lamang sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa kanyang anak.
Ayon kay Aling Benilda, malungkot na malungkot ang kanyang anak na umaasang mapapakinggan ang kanyang panalangin at pag-apela.
Binanggit pa nito, na hinihigpitan na rin sila ngayon ng pamunuan ng New Bilibid Prison para madalaw sa natitirang mga oras nito sa piitan.
Sa kabila na nalalapit na nga ang takdang pagbitay kay Tunkoy kasama pa ang isang convict na si Roderick Licayan ay patuloy pa rin ang pag-aksyon ng ibat ibang grupo, partikular na ang Public Attorneys Office (PAO) sa Supreme Court para maiapela muli ang kaso dahil sa mga lumabas na bagong development dito.
Inaasahang bago sumapit ang Biyernes ay maglalabas ng kasagutan ang Korte Suprema patungkol sa kung dapat bang ituloy o hindi ang pagbitay sa dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am