Habambuhay sa nang-rape, nanghawa ng sakit sa paslit
January 27, 2004 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang parusang iginawad ng Valenzuela City Regional Trial Court sa isang binata matapos na mapatunayang nagkasala ito ng panghahalay at panghahawa ng sakit sa isang 4-anyos na paslit sa nasabing lungsod, anim na taon na ang nakakaraan.
Batay sa limang-pahinang desisyon ni Judge Maria Nena Santos ng VCRTC Branch 171, ang akusadong si Nino Genuino, 23, ng #103 Maysay Road, Valenzuela City, ay napatunayang nagkasala sa panghahalay sa paslit.
Pinagbabayad din ng korte si Genuino ng P100,000 bilang civil at moral damages sa kasalanang ginawa nito sa biktima.
Sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Pebrero 14, 1998 sa ilalim ng puno ng sampalok na matatagpuan malapit sa bahay ng akusado na nooy 17-anyos pa lamang kung saan huling nakitang naglalaro ang biktima.
Nilapitan umano nito ang naglalarong bata at dinala sa ilalim ng nasabing puno at doon idinaos ang kanyang maka-mundong pagnanasa sa biktima.
Pagdaan ng ilang araw ay idinadaing ng biktima ang pananakit ng ari at nang ipasuri sa doktor ay napatunayang nahawahan ng STD.
Nang usisain ang biktima ay ipinagtapat nito sa mga magulang ang ginawa ng akusado na naging dahilan upang agad itong ipahuli sa mga awtoridad. Sa kasagsagan ng paglilitis, mariing itinanggi ng akusado ang akusasyon at sinabi pa nitong hindi niya kayang gawin ang ganoong bagay sa isang mataong lugar ngunit mas pinaniwalaan ng korte ang biktima dahil sa pagiging paslit nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended