^

Metro

Nasabat na mga manok galing sa US at hindi sa Taiwan

-
Niliwanag naman kahapon ni Agriculture Secretary Cito Lorenzo na hindi galing sa Taiwan ang tone-toneladang manok na naipuslit sa bansa kamakailan.

Ayon kay Lorenzo, ang mga manok ay galing sa Estados Unidos ay ilegal na naipasok sa Pilipinas kaya’t walang dapat na ipangamba ang publiko na kahit kumalat ang naipuslit na mga manok sa mga pamilihan dahil ito ay ligtas sa bird flu.

Nilinaw pa nito, na hindi dahil sa sakit o virus kaya kinumpiska ang mga karne ng manok kundi dahil sa kakulangan ng mga kaukulang dokumento para sa importasyon nito mula sa US.

Siniguro rin ng Department of Health na walang dapat ipangamba ang publiko at ligtas pa rin sa nasabing sakit ang mga manok sa bansa.

Nilinaw ni DOH Secretary Manuel Dayrit na hindi maaaring maisalin sa pamamagitan ng ‘human to human’ ang naturang virus. Wala pa silang naitatalang ganitong kaso at sa halip ay ‘animal to human’ lamang. (Ulat nina Angie dela Cruz at Gemma Amargo)

AGRICULTURE SECRETARY CITO LORENZO

ANGIE

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

ESTADOS UNIDOS

GEMMA AMARGO

LORENZO

NILINAW

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with