Pulis ginulpi ng 2 adik
January 26, 2004 | 12:00am
Nalaslas ang mukha ng isang bagitong pulis makaraang bugbugin at saksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang sabog sa droga habang naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nakaratay ngayon sa Manila Central University Hospital ang biktima na nakilalang si PO1 Rodel dela Cruz, 24 naninirahan sa 136 Landaska 2 Torcillo St. Brgy. 28 ng nabanggit na lungsod at nakatalaga sa Regional Special Action Unit- National Capital Regional Police Office na nagtamo ng saksak sa mukha at katawan bukod pa sa mga pasa at bugbog.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isa sa mga suspect na nakilala lamang sa pangalang Aguila Cabuang na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Purok 1, Kawal, Dagat-Dagatan, C.C. Naglalakad si dela Cruz kasama ang kapatid nitong si Michael nang biglang pagsasaksakin at paluin ng dos por dos ng mga suspect.
Mabilis namang nakatakbo si Michael upang humingi ng tulong sa barangay tanod at nagsitakas din ang mga suspect nang makitang paparating na ang sasaklolo sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am