Kasalukuyang comatose sa Mary Johnston Hospital ang biktima na itinago na lamang sa pangalang Aiza matapos umanong ihampas ng suspect na si Dennis Peña ng 1229 Masinop St. Tondo ng nabanggit ding lungsod.
Ayon sa pulisya, unang itinanggi ni Peña at ng ina ng sanggol na si Marivic Berganio na inuntog ng una ang kanyang anak sa pagsasabing nahulog lamang ito sa semento kaya nawalan ng malay.
Subalit hindi ito pinaniwalaan ng doktor na sumusuri sa sanggol na agad na humingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dahil dito kinuwestiyon ng DSWD si Berganio na umamin namang inuntog ni Peña ang kanyang anak dahil nainis ito sa kaiiyak ng sanggol.
Madalas din umanong saktan ni Peña ang kanyang anak lalu nat kung lasing ito at nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.
Ipinaaresto din ng DSWD si Berganio dahil sa pagtatangka nitong pagtatakip kay Peña. Kapwa nahaharap ang dalawa sa kasong frustrated homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)