Empleyada ng city hall tinodas sa lamay ng patay
January 26, 2004 | 12:00am
Isang 52-anyos na empleyada ng Mandaluyong City Hall ang binaril ng malapitan at pinagsasaksak ng kanyang kapitbahay sa isang lamayan kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Dead on arrival sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa sentido at saksak ang biktima na si Lilia Pineda, ng 307 Blk. 21 Werferville Compound Brgy. Addition hills ng nabanggit ding lungsod.
Nakilala naman at kasalukuyang pinaghahanap ang isa sa mga suspect na si Alex Opada kapitbahay ng biktima.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang naglalaro ng tong-its ang biktima sa lamay ng isa din nitong kapitbahay.
Bigla na lamang itong nilapitan ng mga suspect at pumuwesto sa kanyang likuran at biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.
Nang makitang nakabulagta ang biktima, isa pa sa mga suspect ay bumunot naman ng kutsilyo at inundayan ng saksak si Pineda.
Ayon sa pulisya, ang pagpatay kay Pineda ay indikasyon na malaki ang galit ng mga suspect sa biktima. Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest