^

Metro

Japanese tiklo sa shabu

-
Sa halip na makabalik sa kanilang bansa, sa kulungan humantong ang isang Japanese national matapos mahuli ng mga kagawad ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pag-iingat ng shabu.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Romy Puducay, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) kay Senior Supt. Andres Caro II, director ng PNP-ASG, nakilala ang foreigner na si Minuro Suzuki, 38, holder ng Japanese passport no. MR4904085.

Si Suzuki ay nakatakda sanang bumalik sa Narita, Japan lulan ng Egypt Air flight MS 804 nang maaresto sa East Final Check-In dakong alas-8:05 kahapon ng umaga, matapos makuhanan ng mahigit dalawang gramo ng shabu na nakalagay sa plastic sachet at nakatago sa secret pocket ng kanyang pantalon.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Medardo Caducio, isang non-uniformed personnel na nakatalagang body frisker, nagsasagawa siya ng body frisking kay Suzuki nang tumanggi itong magpakapkap hanggang sa magkaroon ng pagtatalo.

Nakita ni PO3 Fabinia Medollar, PNP duty supervisor ng oras na iyon ang nangyayaring kaguluhan, kung kaya’t kaagad itong lumapit at sinita si Suzuki.

Inamin ni Suzuki sa mga imbestigador na binili niya ang shabu sa isang babaeng kanyang nakasama sa hotel para sa kanyang personal na gamit.

Kasong paglabag sa PD 6425 o illegal possession of prohibited drugs ang nakatakdang isampa laban kay Suzuki na itinurn-over ng PNP-ASG sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). (Ulat ni Butch Quejada)

ANDRES CARO

AVIATION SECURITY

BUTCH QUEJADA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EAST FINAL CHECK-IN

EGYPT AIR

FABINIA MEDOLLAR

MEDARDO CADUCIO

MINURO SUZUKI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-AVIATION SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with