Salvage victim lulutang-lutang sa Pasig River
January 25, 2004 | 12:00am
Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang lulutang-lutang sa Pasig River habang nakatali pa ang leeg at mga kamay nito kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Maynila.
Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 35-40, may taas na 54 at tattoo na pusa sa kaliwang braso habang zodiac sign na Libra sa kanan. Nakasuot din ito ng kulay puting T-shirt at kulay cream na sapatos.
Batay sa pagsisiyasat ni Det. Danilo Tuazon ng WPD Homicide Division, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-3 ng madaling-araw nina Danilo Carpio at Narciso Fulgencio na nakatali ng nylon cord ang leeg at kamay.
Pinaniniwalaang ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa ilog upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended