Anak ni Bong Revilla,naaksidente: 1 patay, 7 sugatan
January 25, 2004 | 12:00am
Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay habang malubha namang nasugatan ang pitong iba pa na kinabibilangan ng anak nina Senatorial candidate Bong Revilla makaraang sumabog ang gulong ng kanilang kotse at tumaob, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Dead-on-the-spot ang biktima na si Francis Perlas, 17, habang ginagamot naman sa Asian Hospital ang anak ni Revilla na si Ina Bautista, mga kaibigan nitong sina Cleodis Francisco; Ida Sebastian; Monique Caretro; Alan Angeles; Carlos Ayama at driver na si Richard Yebes, pawang mga 17-anyos at high school student sa De La Salle-Zobel School sa Ayala-Alabang sa Muntinlupa City. Ang mga ito ay nagtamo ng bali at sugat sa katawan.
Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:55 ng gabi sa kahabaan ng Daang Hari, Brgy. Ayala- Alabang Village kung saan lulan ang mga biktima ng isang Toyota Surf Sport Car na may plakang CPF-248 at patungo ng Cavite.
Bigla na lamang sumabog ang gulong ng sasakyan ng mga biktima na ikinawala naman ng kontrol ni Yebes hanggang sa tuluyan na itong tumaob.
Kinuwestiyon naman ng aktres na si Lani Mercado ang umanoy kapabayaan ng ilang school official na umanoy pumayag na gumamit ng ibang sasakyan ang mga estudyante sa kabila ng kanilang pinirmahang waiver na sama-samang pupunta sa inter school activities ang mga estudyante at sabay-sabay ding uuwi gamit ang iisang bus.
Pinag-iisipan ng aktres kung sasampahan nila ng kaso ang mga school official. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended