Ang mga ito ay nakilalang sina Joel de Castro, 36, salesman ng Taytay, Rizal at Edwin Nakpil, 40, ng San Roque 2, North Triangle, Bagong Pag-asa, Quezon City, na kapwa kasapi ng grupong Kasama Pilipinas, isang paksiyon ng FPJPM. Ang mga ito ay kinasuhan ng illegal assembly, direct assault upon person in authority at breach of peace.
Binatikos din naman ng grupong Freedom for Peace and Justice Movement at FPJPM ang ginawang dispersal ng mga kagawad ng WPD sa dalawang raliyista na umanoy nanlaban sa mga pulis kasabay ng pagkumpiska sa mga dala-dalang bandila at streamers ng mga ito.
Lumilitaw na natuwa ang mga tagasuporta ni Da King kung kayat minabuti nilang magtungo sa tanggapan ng Comelec matapos na mabalitaang ibinasura ang disqualification case nito. (Ulat ni Ellen Fernando)