Kasabay nito agad ding dinisarmahan ni De Leon ang mga kotong cops na sina SPO4 Rodolfo Rival Jr.; SPO1 Romeo Saavedra; PO3 Eustaquio Ado pawang nakatalaga sa NCRPO Anti-Illegal Drugs Unit; PO1 Leucadio Ty, Jr. at PO1 Rogelio Codog na naka-assigned sa CPD-Batasan Hills Police Station.
Ayon kay De Leon, kanyang isinailalim sa summary dismissal proceeding ang mga nabanggit na pulis upang matiyak na dadalo ang mga ito sa pagdinig na kanilang kinasasangkutan at maiwasan ang pangha-harass sa mga biniktima ng mga ito.
Batay sa report na natanggap ni De Leon, sina Rival,Saavedra at Ado ay humihingi ng P250,000 sa biktima na si Arnulfo Lopez, 24 noong Enero 16 sa D. Santiago St. Sampaloc, Maynila.
Agad namang nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa NBI at naaresto sa isinagawang entrapment operation ang tatlong pulis.
Samantalang sina Ty at Codog naman ay inireklamo ng pangongotong ng P20 araw-araw ng mga jeepney barkers sa Commonwealth at Payatas sa Q.C. (Ulat ni Doris M. Franche)