2 patay sa loob ng tangke ng tubig
January 22, 2004 | 12:00am
Dalawang pintor ang nasawi, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang ma-suffocate ang mga ito habang nagpipintura sa loob ng isang tangke ng tubig ng isang ospital, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Taguig.
Patay na nang idating sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina Ruel Yadao, 24, at isang nakilala lamang sa pangalang Roderick. Nasa kritikal pa ring kalagayan ang isa pa nilang kasamahan na si Noel Magdaro, 20.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:50 ng hapon nang madiskubre ang mga biktima sa loob mismo ng water tank ng Taguig Pateros District Hospital sa Barangay Western Bicutan ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang dakong alas-9 ng umaga nang pumasok ang tatlo sa nasabing tangke ng tubig upang pinturahan ito, subalit lumipas na ang pananghalian ay hindi pa rin lumalabas ang mga ito gayung ang mga baong pagkain ay iniwan sa ibaba.
Dahil dito ay nagpasya na ang isa sa kanilang kasamahan na tawagin ang tatlo at umakyat sa water tank subalit nadiskubre na nakahandusay na ang tatlo sa loob.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na posibleng na-suffocate ang tatlo sa loob at hindi na nagawa pang makalabas sa loob ng malaking tangke. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest