^

Metro

Aktor Patrick Garcia,naaresto sa QC

-
Inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct ng Baler Police Station ang aktor na si Patrick Garcia makaraang ma-checkpoint ng mga pulis ang sasakyan nito, kahapon ng madaling-araw sa panulukan ng Forestry at Miles St. sa Brgy. Vasra, Quezon City.

Ayon sa report ni Insp. German Peralta kay Sr. Supt. Julius Cesar Abanes ng CPD-Baler Station, kinuwestiyon lamang ng kanyang mga pulis na pinangungunahan ni PO2 Jonjon Sapat si Garcia matapos na makitang nakaparada ang sasakyan nitong Expedition na kulay maroon sa kanto ng Forestry at Miles Sts. na walang plate number, kasama ang isang alalay na si Andrew Lopez dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Minabuti ng kanyang mga tauhan na dalhin ang aktor sa PCP sa Brgy. Vasra upang tanungin kung ano ang ginagawa sa naturang lugar nang bigla na lamang lumapit ang dalawang lalaki na sumisigaw na nakilalang sina Allen at Sammy Flordeliz.

Dahil dito, minabuti ng mga pulis na kausapin nang maayos ang magkapatid na Flordeliz hanggang sa mapatunayang galing ang mga ito sa pakikipag-pot session kung saan nakuhanan ang mga ito ng ilang particles ng shabu at gamit na foil.

Inamin din umano ng magkapatid na Flordeliz na kasama nila sa pot session si Garcia. Gayunman, wala namang nakuhang shabu sa aktor.

Pinabulaanan din ni Abanes na pinakawalan si Garcia matapos na magbigay sa mga umarestong pulis.

Sinabi ni Abanes na handa naman niyang sibakin sa tungkulin ang mga pulis na sinasabing nangikil kay Garcia ng pera kapalit ng pagpapalaya dito. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

ABANES

ANDREW LOPEZ

BALER POLICE STATION

BALER STATION

BRGY

DORIS M

FLORDELIZ

GARCIA

GERMAN PERALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with