Habang isinusulat ang balitang ito, nagpaplano na ang ilang negosyante na humarap kina PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. at NCRPO chief Director Ricardo de Leon upang ireklamo ang ginagawang pagbabagsak ng mga tiket ni Moya.
Itoy kaugnay umano sa gaganaping 103rd WPD Anniversary Competition na tinawag nilang Shoot for a cause sa Enero 30-31 sa WPD Firing Range sa Port Area, Maynila.
Magiging benepisyaryo umano ng naturang proyekto ang Smokey Mountain Medical Mission na pangungunahan ng WPD.
Matatandaan na mahigpit ang direktiba ni Ebdane na bawal sa lahat ng pulis na mag-solicit o magbenta ng anumang uri ng tiket dahil ugat lamang ito ng korapsyon.
Lumutang naman ang pangalan ni Inspector Jovit Moya dahil ito rin umano ang isinisigaw ng ilang police stations sa WPD. Bukod pa sa maugong na ang naturang shootfest ay personal na proyekto ng aktor para sa tanggapan ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong.
Nabatid na nagkakahalaga ng P500 ang bawat isang tiket na ibinebenta nito.
Sinabi pa ng mga negosyante na pahirap sa kanila ang pagbabagsak ng tiket dahil sa umaabot sa halagang P5,000 hanggang P10,000 ang mga tiket na itinotoka sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)