Kolektor hulog mual sa 8th floor, patay
January 19, 2004 | 12:00am
Isang malaking palaisipan ngayon sa mga awtoridad kung sadyang inihulog o tumalon mula sa ikawalong palapag ng isang gusali ang isang 51-anyos na kolektor ng gas na natagpuang patay, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima na kinilalang si Oscar Molina, residente ng Old Sta. Mesa, Manila at namamasukan sa Llamas Gas sa Kamuning, Quezon City ay natagpuan dakong alas-4:30 sa parking lot ng Atrium Bldg., Buendia, ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na dakong ala-1 ng hapon bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay nag-deliver pa ito ng gas kasama ang kanyang pinsang si Leo Samar Jr. at ang tiyuhin na si Leo Sr. sa canteen ng nasabing gusali na matatagpuan sa ika-walong palapag.
Iniwanan umano ng mag-ama ang biktima habang kinukulekta nito ang bayad ng gas kung saan nauna na umano silang bumaba ng gusali.
Naalarma na lamang umano ang mag-ama nang halos apat na oras na ay hindi pa bumababa ang biktima at nang kanila itong suriin ay napag-alaman na lamang nila na natagpuan ng isang janitor ng nasabing gusali ang biktima sa parking lot na isa ng bangkay.
Napag-alaman pa sa ilang mga saksi na nakita nila ang biktima na nahulog mula sa ika-walong palapag ng nasabing gusali.
Dalawang anggulo naman ang tinitingnan ng mga awtoridad sa nasabing insidente kung saan posible umanong sadyang nagpakamatay ang biktima na unang napabalita na iniwanan ng kanyang live-in partner at posible rin umanong sadyang inihulog ito.
Nakuha naman mula sa bulsa ng biktima ang P5,000 na kanyang koleksyon sa gas na ibinayad ng may-ari ng canteen at ang resibo nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended