^

Metro

6 holdaper nalambat ng NAKTAF

-
Anim na kabataang lalaki na umano’y miyembro ng hold-up gang ang naaresto ng mga kagawad ng National Anti-Kidnapping Task Froce (NAKTAF) sa isang checkpoint, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ang mga suspect na nahulihan ng patalim ay kinilalang sina Zacarias Alboro, 21; Michael Castuera, 21; Joseph Domingo, 18; Ronald Baligbig, 17; Michael Romano, 17 at Jun-jun Castueras, 21 na pawang mga residente ng San Bueno Compound, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:40 nang masakote ang mga suspect sa inilatag na checkpoint ng NAKTAF sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Santolan, ng nasabing lungsod.

Nabatid na tinangka pa umanong tumakas ng mga suspect na noon ay sakay ng isang pampasaherong jeep subalit agad na naagapan ito ng mga miyembro ng NAKTAF. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

EDWIN BALASA

JOSEPH DOMINGO

MARCOS HIGHWAY

MICHAEL CASTUERA

MICHAEL ROMANO

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FROCE

PASIG CITY

RONALD BALIGBIG

SAN BUENO COMPOUND

ZACARIAS ALBORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with