Mister hiniwalayan ni misis,hinostage ang anak
January 18, 2004 | 12:00am
Bagsak-kalaboso ang isang 28-anyos na mister makaraang masukol ito ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT), nang i-hostage nito ang kanyang 2-anyos na anak upang mapabalik ang kanyang naglayas na misis, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kasalukuyan ng nakapiit at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspect na si Ronnie Rudio, truck helper at residente ng Lot 18. Block 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. de Leon, ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang inoobserbahan ang biktima na si Angela matapos na magkaroon ito ng nerbiyos sa naganap na insidente.
Sa nakalap na impormasyon mula sa Valenzuela City Police, dakong alas-3 nang maganap ang insidente sa mismong bubungan ng bahay ng pamilya Rudio.
Batay sa ulat, bago umano naganap ang insidente ay isang text message ang ipinadala ng suspect sa kanyang ama na si David kung saan sinabi nito na may naisip na siyang solusyon kung paano mapabalik ang kanyang naglayas na misis na nagngangalang Ergie.
Ayon naman sa mga kapitbahay, nakita na lamang umano nila ang suspect na karga-karga ang kanyang anak at nagsusumigaw ito sa itaas ng kanilang bubungan habang nakatutok ang matalas na patalim sa leeg ng paslit.
Agad namang tumawag sa SWAT ang mga kapitbahay at nang makita ng suspect ang operatiba ay lalo itong nagalit at naghuhumiyaw sa itaas ng bubungan kung saan sinabi nito na papakawalan lamang umano niya ang paslit kung babalik sa kanilang bahay ang naglayas niyang misis.
Dahil dito ay agad na isinagawa ng SWAT ang pakikipagnegosasyon sa suspect na pakawalan ng ligtas ang kanyang anak subalit hindi umano nila ito nahikayat. Nang makakita ng magandang pagkakataon ay agad nilang dinamba ang suspect at nailigtas ang biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended