12-anyos natabunan ng basura, patay
January 17, 2004 | 12:00am
Aksidenteng natabunan ng isang backhoe machine ng tone-toneladang tambak ng basura ang isang 12-anyos na paslit na babae sanhi upang agad na masawi ang huli, kamakalawa ng umaga sa Maynila.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeralyn Entines, residente ng Bldg. 27, Unit 20, Temporary Housing, Vitas, Tondo, nabanggit na lungsod.
Nahaharap naman sa kasalukuyan sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang operator ng nasabing makina na si Rafael Torres, 44, empleyado ng Leonel Waste Company at nakatalaga sa dumpsite sa Pier 18, Vitas, Tondo.
Sa ulat , dakong alas-10:15 nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar kung saan ay kasalukuyan umanong namumulot ng basura ang biktima kasama ang iba pang mga bata nang aksidenteng mabagok ang ulo nito sa makina at matabunan ng basura.
Ikinatwiran naman ng suspect sa pulisya na hindi niya umano napansin ang biktima nang pakawalan nito mula sa makina ang tambak ng mga basura na tumabon naman sa huli.
Nabatid na sinubukan pa umanong pigilan ng mga kasamahang bata ng biktima ang suspect ngunit huli na ng maawat ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended